Ryan Cayabyab ibinigay ang dahilan kung bakit hindi na magbabalik sa TV ang Ryan Ryan Musikahan

PEP.ph 2021-04-27

Views 3

Ibinigay ni Maestro Ryan Cayabyab ang dahilan kung bakit, kahit na may mga gustong ibalik sa ere ang show niya dating "Ryan Ryan Musikahan" ay malabo na itong mangyari.

Ang "Ryan Ryan Musikahan" ang weekly late night musical show ni Maestro Ryan na ipinalabas sa ABS-CBN mula 1988 hanggang 1995.

Guests ng National Artist for Music kada episode ang mga magagaling na singers at grupo na kumakanta nang live. Si Maestro Ryan ang umaakumpanya sa kanyang guests sa mga performances ng mga ito.

Nabanggit kasi ng PEP Spotlight host na si Jimpy Anarcon na nitong nakaraang taon at hanggang ngayon habang pandemic ay isa ang show na ito ni Mr. C (palayaw ni Maestro Ryan) sa mga paboritong panoorin ng mga tao sa flashback channel na Jeepney TV at maging sa YouTube.

Kaya tinanong ni Jimpy kung may pag-asa bang bumalik ito sa ere dahil na rin sa clamor ng mga tao.

Maging ang members ng kanyang @Ryan Cayabyab Singers na sina Kaye Tiuseco at Poppert Bernadas na kasama niya sa interview ay sabik ding malaman kung kailan nga babalik sa ere ang show ng kanilang maestro.

Sagot ni Mr. C, malabo na ngang bumalik sa ere ang kanyang show kahit pa marami ang may gustong bumalik ito.

Panoorin ang pagpapaliwanag ni Maestro Ryan kung bakit nga malabo nang makabalik sa ere ang "Ryan Ryan Musikahan."

Para sa full PEP Spotlight interview nina Maestro Ryan, Kaye, at Poppert, i-click ang link na ito: http://bit.ly/RyanCayabyabPEPspotlight

#RyanCayabyab #MusikaParaSaKinabukasan #PEPspotlight

Host: Jimpy Anarcon
Video Producer: Rommel R. Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS