Target ng gobyerno na matapos sa kalagitnaan ng Abril ang pagbakuna sa mga medical frontliner.
Ito ang iginiit ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa isang online forum kanina..
Giit ni Galvez, nasa 1.7 million medical frontliners ang target na mabakunahan.
Pagkatapos ng mga frontliner, isusunod na ang mga nasa priority list na gaya ng mga senior citizen, indigent population at vulnerable sector..
Ayon pa sa kalihim, oras na dumating ang mas maraming suplay ng bakuna sa bansa, posibleng masimulan na ang mass vaccination sa buwan ng Mayo at Hunyo.
Sa datos na ibinigay ni Galvez, naipamahagi na sa mga vaccination site sa ibat ibang bahagi ng bansa ang nasa 1.2 million na paunang suplay ng bakuna laban sa COVID-19 na dumating sa Pilipinas.
Puspusan naman umano ang ginagawa ng gobyerno para makakuha ng mas maraming suplay ng bakuna.
Paglilinaw pa niya, mahigpit din nilang binabantayan ang mga nababakunahan sakaling may makaranas sa kanila ng adverse effects.