OFWs na lubhang apektado ng pagsabog sa Beirut, Lebanon, uuwi na ba sa Pinas o tuloy ang trabaho?

GMA Public Affairs 2020-08-27

Views 2

RTx: SEAMAN NA NAPUTULAN NG PAA AT DOMESTIC WORKER NA NAKASAKSI SA TRAHEDYA NG PAGSABOG SA BEIRUT, LEBANON, UUWI NA BA SA 'PINAS O TULOY PA RIN ANG TRABAHO?

"Ewan ko kung nahimatay ako o nawalan na 'ko ng malay. Pagtayo ko po hahakbang po ako. Ay! Putol po ‘yung paa ko. Diyos ko".

"Gusto kong takasan 'yung lugar. Kasi grabe 'pag nakita mo 'yung mga tao sa daan. Naglalakad sila. Puro duguan. Doon sa kinatatayuan kong building, lahat 'yun bumagsak".

Ganyan ang naranasan ng mga Pinoy na sina Michael Villanueva at Erma Flores nang maganap ang pagsabog sa Beirut, Lebanon. Ang seaman na si Michael, halos maputulan ng paa at inakalang patay na ng pamilya. Samantala, nag-aabang lang ng bus noon si Erma nang mangyari ang trahedya. Matapos ang pagsabog, nasaksihan niya ang pinsala sa siyudad : Mga duguang sibilyan at mga nawasak na istruktura.

Dahil sa trahedyang ito, malaking tanong ngayon kina Michael at Erma ay kung mananatili pa sila abroad para magtrabaho o ang umuwi na sa Pilipinas para makapiling ang pamilya. Ano kaya ang desisyon nila? Panoorin ang video! #RTx

Share This Video


Download

  
Report form