Umabot ng dalawang taon, bago nagdesisyon si Julie Anne San Jose na i-release ang kanta niyang "Better."
Ayon sa 26-year-old singer-actress-host, wala talaga siyang intensyon na i-release as a single ang kanta niyang ito.
Kuntento na siyang parte lang ito ng soon-to-be released album niya.
Pero nang ma-realize ni Julie Anne na matagal na rin siyang walang nare-release na kanta, ang "Better" ang naisip niyang ibahagi sa publiko.
Kuwento ng Kapuso artist sa kanyang PEP Exclusives interview kay Jimpy Anarcon, originally ay sinulat niya ang kanta bilang outlet ng pinagdadaanan niya dalawang taon na ang nakararaan.
Matatandaang nung Nobyembre 2018—dalawang taon na ang nakalilipas—pumutok ang balitang break na sila ng boyfriend na si Benjamin Alves.
Walang naging pahayag noon sina Julie Anne at Benjamin kung may katotohanan ang balita.
Nanahimik lang si Julie Anne, habang si Benjamin naman ay nanatili sa Hawaii matapos na umuwi roon dahil sa pagkamatay ng ama nito na doon nakatira.
Pero noong January 2019 sa unang pagkakataon ay kinumpirma ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na nga sila ni Benjamin.
Kinumusta pa ng PEP ang kalagayan ni Julie Anne pagkatapos ng pinagdaanang breakup.
"I'm OK. I'm good. Better," sagot nito.
Fast-forward to 2020, heto't ibinahagi na niya sa kanyang fans—sa pamamagitan ng isang awitin—ang kanyang pinagdaanan at kung paano nakatayo mula rito.
Sabi pa ni Julie Anne, bumabagay rin naman daw ang mensahe ng kanta sa panahon ngayon.
"Medyo timely din kasi, e..."
"Kumbaga, may mga pinagdadaanan tayo sa buhay, 'tapos siyempre, gusto natin na maging okey tayo, di ba?
"Siyempre, kailangan din nating tulungan ang ating mga sarili, di ba?
"Parang, hindi naman tayo magiging better kung hindi natin tutulungan ang sarili natin, if we're gonna get stuck in the dark.
"We can't be like that forever. Kumbaga, kailangan mo ding i-open ang mga mata mo sa mga bagay-bagay, and of course, gusto mo din na i-improve din yung sarili mo.
"Of course, with the help of the people na sumusuporta sa 'yo, na tumutulong sa 'yo, at nagmamahal sa 'yo.
"I've always been grateful sa lahat ng mga sumusuporta din sa akin, sa decisions ko, and of course, sa music career...
"And, yeah, I think yung pinaka-lesson for me is, you know, always be strong and always have faith na malalampasan mo lahat ng pinagdadaanan mo."
Panoorin ang buong video interview para ma-update tungkol kay Julie Anne, pati na ang kanyang masayang PEP Challenge.
Huwag ding palampasin ang kanyang performance ng "Better."
Interview: Jimpy Anarcon
Video Producer and Editor: Rommel R. Llanes