Sakay ng kanyang helicopter, tinangka ni Willie Revillame na lumapit sa Taal Volcano para makakuha ng video at mai-share sa publiko.
Nagsimulang mag-alburoto ang Taal Volcano nitong January 12, Linggo. Nagbuga ito ng usok at abo na umabot hanggang sa mga kalunsuran ng Kalakhang Maynila at mga kalapit na lugar.
Sa bandang huling bahagi ng video, magpapakita na si Willie at inilarawan kung ano ang situwasyon ng bulkan.
"Nandito ko ngayon sakay sa chopper. Nandito ko... ayan ang Taal Volcano. Kitang-kita yung usok," sabi ni Willie habang tinuturo ang bulkan.
"Ayan, grabe! Nandito ko ngayon... Ang time, 4:40 [pm]," banggit pa ni Willie sa oras nang mga sandaling iyon.
Nasa Alert Level 3 o "relatively high unrest" ang bulkan nung bandang 4 pm kahapon, as declared by PHIVOLCS-DOST o Philippine Institute of Volcanology and Seismology-Department of Science and Technology, ang ahensiya ng gobyerno na nagmo-monitor at nagbibigay ng advisory kaugnay sa mga pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang kalamidad na gawa ng kalikasan.
#taalvolcano #willierevillame
Video: Willie Revillame
Edit and Text: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts
Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts