Mag Ingat sa Bagong Modus

Pinoy Leak 2016-07-06

Views 1

Mag ingat kayo sa mga ganitong modus baka masunugan kayo ng bahay lalo na kasalanan pa ng ibang tao.
Babala:
Mag ingat sa lalaking ito na nagpanggap na taga caltex at magsusurvey lang daw kung anong gamit na gas tank. Nagchecheck lang daw sila dahil daw sa nangyaring sunog kamakailan sa may Sauyo. Hindi na namin nagawang tanungin ang kanyang pangalan dahil alam namin na saglit lang sya na magtatanong. Noong una, asa labas lang sya ng gate namin at kinakausap ang nanay ko at pinacheck sa akin ang number ng gas tank. Nun binalikan ko sya, sabi nya mali daw ang nakuha kong number, kaya ako ay bumalik sa aming kusina para icheck. Hindi ko namalayan na gumawa na pala sya ng paraan para makapasok sa bahay namin. Nililito pa nya ang nanay ko na magkakabayan daw sila dahil sa pareho silang accent. Nanghingi sya ng tubig sa nanay ko, at nakita nya akong chinicheck ang tank bigla syang pumasok at dalidaling pumunta sa tank ng gas at chinicheck na kesyo maluwag daw ang pagkakalagay. Kinabahan na ako at inumpisahan ko na syang videohan dahil sa
pagpupumilit nyang may sira ang host ng aming gas tank at kailangan ng palitan. Makikita nyo sa
video kung paano namin sya pinipilit na paalisin at palabasin ng bahay. Pagkalabas nya dali dali ko ng isinara ang aming gate. Salamat sa Diyos at iniligtas nya kami sa kapahamakan. Doble ingat po tayo. SHARE
(c) Ayien Garganera

Share This Video


Download

  
Report form