Eto ang mga eksenang nagluklok kay Kathryn Bernardo bilang "Teen Queen Ng Drama":
1. It Might Be You (2003) - Young Cielo
Si Cielo ay isang ulila na naiwan sa pangangalaga ng mga madre sa Hospicio. Ngunit di maiwasan na mahiwalay siya sa madre na pinakamalapit sa puso niyang si Sister Hannah. Sa murang edad, naranasan na niya ang maiwan ng lahat ng kanyang mahal sa buhay. Si Bea Alonzo ang gumanap ng Cielo nang ito'y maging ganap na dalaga na.
2. Vietnam Rose (2005) Young Carina
Si Carina ay isang Vietnamese na maagang naulila sa kanyang ina at sundalong ama. Nabaril ng kalaguyo ng kanyang ina ang kanyang ama. Mahirap ang pinagdaanan niya para matakasan ang giyera. Mula sa Vietnam, nakipagsapalaran siya sa Pilipinas upang takasan ang giyera. Nang lumaki na si Carina Dela Cerna ay si Maricel Soriano ang gumanap.
3. Magkaribal (2010) Anna
Iniwan ng kanyang ama at nakitang namatay ang kanyang ina sa pagkabundol ng sasakyan, matinding pighati ang dinanas ni Anna mula pagkabata. Sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Angela ay kailangang suportahan ang kanilang sarili para mabuhay. Ngunit isa na namang trahedya ang sumubok kay Anna, nasunog ang bahay nila at namatay ang nakababatang-kapatid. Dahil sa mga karanasan sa buhay, ipinangako niyang magbabayad ang lahat ng mga umapi sa pamilya niya. Paglaki ni Anna, papalitan niya ang pangalan niya sa Victoria Valera kung saan ni Gretchen Barretto ang gumanap.
4. Mara Clara (2010) Mara
Ang orihinal na Mara Clara ay pinagbidahan ni Judy Ann Santos at Gladys Reyes bilang Mara Clara. Sa 2010 remake, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang gumanap na Mara at Clara. Sa eksenang ito, nagalit si Gary (Jhong Hilario) dahil may hindi ito nagustuhan na ginawa ni Mara. Nasaktan ni Gary si Mara kaya't di sinasadyang mauntog sa sahig ang ulo ng dalaga at magdugo. Ang lahat ng ito ay nasaksihan ni Susan (Mylene Dizon) na umawat pa kay Gary ngunit wala rin siyang nagawa. Ang mga eksenang tatak-Mara Clara ay ang mga komprontasyon