LAX undercover sting: mga baggage handlers, naaresto.
Nagtapos na rin ang imbestigasyon ng pulis, ng isang napakalaking operasyon ng pagnanakaw, sa Los Angeles International Airport.
Ilang dosenang baggage handlers sa LAX ang naaresto noong Miyerkules, dahil sa literal na pag-check ng mga bagahe.
Chineck nila ang mga bagahe, para sa mga electronics, alahas, at iba pang mga kagamitang maari nilang ibenta sa Craigslist.
Ang mga baggage handlers ay nasa ilalim ng Menzies Aviation, na isa sa tatlong daan at limampung employado sa LAX.
Nag-report ng maraming nawawalang kagamitan ang mga pasahero sa mga flights na paalis at parating sa LAX terminal 4.
Kabilang sa mga kagamitang nanakaw ay isang relo, sa halagang 100,000 USD, na pinagma-may-ari ni Paris Hilton.
Ang pagdagsa ng mga reklamo ang nagtulak sa pulis na magpadala ng undercover agents, na magkunwaring baggage handlers.
Pagkalipas ng ilang buwang pag-imbestiga sa Tom Bradley International Terminal, nagkaroon nan g sapat na impormasyon ang mga pulis, at dala ang mga arrest warrants, tinanggal nila ang mga magnanakaw mula sa LAX, noong Miyerkules.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH