All Nippon Airways (ANA), tinanggal ang bago nilang 'racist ad'
Nagdesisyong tanggalin ng Nippon Airways ang pinakabago nilang commercial, dahil ito ay pino-protesta ng mga tao.
Ang commercial ay ipapakita sana ang importansya ng pagdagdag ng kanilang international services, mula sa Haneda Airport. Pero ang ad na ito ay tinawag na racist, dahil makikita rito ang isang taong nakasuot ng malaking plastic na ilong at kulay dilaw na wig.
Maraming viewers ang nagalit, at prinotesta ang pagiging rasista nito.
Nagdagsaan ang mga reklamo tungkol sa kanilang racist commercial ang airline, mula nang una itong naipakita noong January 18. Tinaggal ito noong January 20.
Maraming pumintas sa ad, maging sa Twitter at Facebook.
Bagamat marami rin ang nagsabing hindi ito racist, ang importante ay malaman kung ano ang tingin dito ng mga foreigners. Heto ang iilan sa mga comments na nabasa naming sa mga overseas websites.
"Nakakatawa ito, mas lalo na dahil malaki rin ang ilong ko. Para sa mga masyadong sensitibo -- palampasin na iyan!"
"Dapat ay mas matangkad ang Westerner. Japan talaga o! Mag-research naman kayo!"
"Dapat ay gamitin nila ang mga dolphin sa pag-advertise, kaysa sa patayin ang mga ito."
Medyo nagatibo ang huling comment, pero karamihan sa nakita naming ay okay naman. Ang mga employado na foreigner ditto sa Next Media Animation ay nahati rin; may nainis, ang iba naman ay deadma. Ano ang nyong opinyon? Paki-share na lang sa comments.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH