AT&T, bibihin ang DirecTV para sa halagang 48.5 billion!
Another day, another acquisition. Noong Linggo, in-announce ng AT&T na bibilhin nila ang top US satellite TV operator DirecTV, para sa 48.5 billion.
Kapag na-approve ng US regulators ang deal na ito, maidadagdag ng AT&T ang 20 million na DirecTV customers, sa kanilang 5.7 million na U-verse customers -- at idagdag na rin dito ang 18 million na DirecTV customers sa Latin America.
Sa pagbili ng DirecTV, ang AT&T ay magiging number two provider ng television subscribers, kasunod ng Comcast-Time Warner Cable. Ang AT&T at Comcast ay makokontrol ang mahigit sa kalahati ng market para sa mga television packages.
Ang problema para sa AT&T ay ang satellite TV subscriptions ay napakakonti, at mas pinipili ng mga customers ang mga web-based options, kaysa sa cable TV. Ang problema naman para sa mga consumers ngayon, ay mahilig ang mga US regulators sa monopoly.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH