Foreign-owned factories sa Vietnam, sinunog ng mga anti-China protesters!

TomoNews PH 2015-05-12

Views 6

Foreign-owned factories sa Vietnam, sinunog ng mga anti-China protesters!


Mga pabrika na pinagma-may-ari ng mga foreigners sa Vietnam, sinunog ng mga anti-China protesters!

Ang pinaka-latest na away sa pagitan ng China at Vietnam, dahil sa paglagay ng China ng isang oil rig sa pinag-aawayan na Paracel Islands, ay nagresulta sa isa sa pinakamalaking protesta sa Vietnam. Ang mga protesters ay sinunog ang mahigit labinlimang pabrika na pinagma-may-ari ng mga foreigners -- kabilang na rito ang isang textile factory na pinagma-may-ari ng isang kilalang entrepreneur sa Hong Kong.

Nagsimula ang protesta sa Binh Duong Province sa Vietnam, noong Lunes. Martes ng umaga ay nag-ipon ang mga protesters, na nakasakay sa mga motorsiklo, sa isang industrial park, at sinimulan nilang sirain ang kahit na anong property na may mga nakasulat na Chinese na salita. Kumalat ang protesta sa apat na industrial parks sa Vietnam, at naapektuhan ang daan-daang mga kompanya na galing sa Taiwan at Hong Kong. Labinlimang pabrika ang sinunog, at iilang mga workers mula sa Taiwan at China ang nasaktan.

Anim na daang tao ang naaresto ng military kahapon, at isang officer ang namatay.

Ayon kay Mr. Chen, isang Hong Kong businessman na may investments sa Vietnam, ang mga rioters ay hindi lang tinarget ang mga Chinese na kompanya -- sinira din nila ang mga property na pinagma-may-ari ng mga taga-Taiwan at Hong Kong.

Isa sa mga nasirang pabrika ay pinagma-may-ari ng kilalang Hong Kong entrepreneur, na si Marjorie Yang -- na kilala rin bilang 'Cotton Princess.' Kabilang sa kanyang mga kliyente ay ang mga high street brands, gaya ng Abercrombie & Fitch, Muji, Marks & Spencer, at Ralph Lauren.

Dalawa sa pinakamalaking hong Kong-invested na negosyo sa Vietnam, ang Texhong Textile Group at Fittec International Group, ay nasunog at nanakawan sa Vietnam.

Si Mr. Lee, isang factory owner na isa ring Chinese expat, ay sinabing tinanggal na niya ang lahat ng mga Chinese signs mula sa kanyang factory, at

Share This Video


Download

  
Report form