Taiwanese reporter, nakitang hinahalikan ang isang teenager!
Isang Taiwanese reporter, nakitang hinahalikan ang isang Taiwanese-Brazilian teenager
Mukha ba itong tipikal na greeting para sa magkaibigan sa Brazil? Masasabi naming ito ay hindi lang "hi" at "bye," kahit saang bansa ka pagpunta.
Siyam na taon nang nakalipas mula nang nasangkot sa isang magulong custody battle ang lalaking nasa video, na pinag-aawayan ng kanyang Taiwanese na tito at Brazilian na lola.
Matatandaan natin ang kuwento ni Ergui Iruan Wu, na kilala rin sa Chinese na pangalang Wu Yi-Hua -- ang batang ibinalik sa kanyang mga kamag-anak sa Brazil noong 2004.
Ngayon, si Wu -- na guwapong-guwapo at 18 years old na -- ay bumalik sa Taiwan para bisitahin ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak, at para dalawin ang libingan ng kanyang ama.
Noong isang taon, si Cheng Yi-Chen, isang reporter sa CTi TV, ay nagpunta sa Brazil para makapanayam si Wu. At base sa video na ating napanood, ay hindi lang nagkasundo ang dalawa, mukhang na-develop pa nang husto ang kanilang relasyon!
Sinamahan ni Cheng si Wu sa kanyang pagbalik sa Taiwan. At makikitang suot-suot pa ni Wu ang sweatshirt na bigay sa kanya ni Cheng, pagdating niya sa Taoyuan Airport.
Pero diin ng translator ni Wu: walang espesyal na relasyon si Wu at si Cheng! Ganyan lang daw talaga maghalikan ang magkaibigan!
Ayon naman sa CTi TV, hindi raw sila makikialam sa personal na buhay ng kanilang mga employado.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH