Amsterdam, babayaran ng beer at tabako ang mga alcoholic na street cleaners!

TomoNews PH 2015-04-27

Views 9

Amsterdam, babayaran ng beer at tabako ang mga alcoholic na street cleaners!

Sa isang kontrobersiyal na desisyon, ang mga lasinggero sa Amsterdam ay bibigyan ng trabahong linisin ang siudad -- at bilang pambayad, sila ay bibigyan ng beer!

Ang planong ito ay para sa dalawampung lasinggero na walang magawa kung hindi uminom, makipag-away, guluhin ang publiko, at bastusin ang mga babae.

Ito ay isasagawa ng pribadong Rainbow Foundation, gamit ang perang bigay ng gobyerno ng Amsterdam. Inalok nila ang trabaho ng paglilinis ng mga kalsada sa mga lasinggero, at ang bayad sa kanila ay limang beer, tabako, at sampung Euros sa loob ng isang araw.

Okay na 'yun para sa anim na oras, dahil kasama na rin dito ang mga beer break, lunch bresak, at iba pang mga activities.

Maraming pulitiko sa Amsterdam ang suportado ang proyektong ito, dahil matatahimik ang mga lasinggero kapag sila ay may ginagawa, na nakakatulong pa sa kalinisan ng siudad.

Ano sa tingin niyo? Mag-iwan ng inyong opinyon sa comments!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS