London artist, namatay habang pinoprotektahan ang pamilya sa South Africa
Isang artist sa London, napatay habang pino-protektahan ang kanyang pamilya.
Nagkaroon ng memorial service para kay Clinton De Menezes ang kanyang mga kaibigan.
Ang 43-year-old na artist, based sa London, ay may naiwang asawa't anak.
Sila ay nagse-celebrate ng kanilang first wedding anniversary sa bahay ng kanilang kaibigan sa South Africa noong New Year's Eve, nang inakyat ng apat na gunmen ang balcony ng bahay.
Tinago ni De Menezes ang kanyang asawa at anak sa banyo bago niya kinumpromta ang mga magnanakaw.
Tinulungan niya ang isa niyang kaibigan, na inaawat ang isang gunman gamit ang isang plastik na upuan, pero nabaril si De Menezes sa dibdib. Nakatakas ang apat na magnanakaw, dala ang isang wallet at tatlong cellphones.
Bago sinara ng kanyang asawa na si Nicola ang mga mata ni Menezes, hinalikan niya ito at nagpasalamat sa pagligtas sa kanila. Nakapag-paalam rin sa kanya ang kanyang 7-year-old na anak na babae.
Si De Menezes ay kilalang artist na nakapag-exhibit sa mga gallery sa London at New York. Lumipat siya, kasama ang kanyang pamilya, sa Kenya noong Hulyo, matapos makakuha ng trabaho sa isang oil company si Nicola.
Apat na suspects ang naaresto, at natagpuan ng pulis ang isang 9mm na baril sa eksena ng krimen.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH