Taiwanese na lalaki, ginantihan ang ex sa seksuwal na pang-iinsulto at pagpapahiya!
Isang Taiwanese na lalaki, ginantihan ang kanyang ex-girlfriend sa pamamagitan nang pag-insulto at pagpapahiya.
Ang Taiwanese na babaeng si Liu ay nagkaroon ng isang anak na lalaki sa kanyang boyfriend na si Yang, anim na taon nang nakalipas, noong siya ay isa pang teenager. Siya ngayon ay 22 years old na, habang si Yang ay 39.
Dalawang taon nang nakalipas nang si Liu ay kinuha ang kanyang anak at iniwan si Yang. Sila ay tumuloy sa kanyang mga magulang sa Yilan, Taiwan.
Hindi boto sa kanilang relasyon ang mga magulang ni Liu, at pinagbawalan nilang dalawin ni Yang ang kanyang anak. Gumanti si Yang sa pamamagitan ng pagpapadala ng dalawampu't dalawnag sulat kay Liu, na may kasamang mga nakakainsultong salita sa sobre, na maaring mabasa ng kahit na sino. Kabilang sa mga salitang ito, ay: "Si Liu ay pwedeng mag-orgasm kahit na walang sex toy," at "Si Liu ay isang pokpok."
Naglagay din si Yang ng mga sign sa bahay ng mga magulang ni Liu -- mga sign na nagsasabing, "Kung sino man ang pumutol sa aking relasyon sa aking pamilya, ay magbabayad."
Lumaban na rin ang pamilya ni Liu, at tumawag ng pulis. Ayon sa imbestigasyon, si Yang ay nagbantang siya ay magre-rent ng mga sound trucks para magparinig ng nakakainsulto at nakakasakit na mga announcements sa harap ng bahay ng pamilya ni Liu.
Si Yang ay nakasuhan ng libel at making threats. Siya ay maaring makulong ng dalawang taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH