Taiwanese top model Lin Chi-Ling, sinisi ng estudyante para sa mababang grades?!
Isang estudyante sa China, sinisi ang cleavage ng Taiwanese model na si Lin Chi-Ling (林志玲) para sa kanyang mababang grades!
Isang estudyante mula sa Jiangsu Province (江西) sa China ang nagreklamo sa mayor, dahil hindi raw niya makalimutan ang isang sexy ad campaign, kung saan naka-feature ang Taiwanese supermodel na si Lin Chi-Ling -- at dahil daw dito ay nakakuha siya ng mabang grades sa school.
Si Chi-Ling ay tumungo sa Shanghai itong linggo, para i-promote ang isang cosmetics company, at kapansin-pansin na maraming fans ang supermodel sa China.
Si Chi-Ling, na madalas tawaging top female model ng Taiwan, ay kilala para sa kanyang mahinhin na ugali, super sweet na boses, at magandang katawan.
Pero mukhang hindi nakayanan ng estudyante ang kanyang pagka-perfect!
Nang tanungin ng reporter ang modelo tungkol sa istorya ng estudyanteng hindi raw makatulog matapos makita ang sexy bra campaign ni Chi-Ling, at nag-file pa ng complaint sa mayor ng kanyang siudad, nagulat nang husto si Chi-Ling.
Nagpadala daw ang estudyante ng mensahe sa mayor ng Taizhou City (泰州), at sinabi na araw araw niyang nadadaanan ang ad campaign ni Chi-Ling, nan aka-bra at panty lamang. Hindi daw niya mapigilan ang kanyang sarili na titigan ang mga litrato, at dahil ditto ay na-stuck sa utak niya ang image ng modelo, at hindi siya makapag-concentrate sa school.
Nagpunta ang Apple Daily sa China para tingnan ang ad campaign na ito, pero hindi naman malaswa ang mga litrato ni Chi-Ling. Samantala, naglabas ng statement ang mayor ng Taizhou, na nagsabing ang ad campaign ay hindi labag sa batas at hindi malaswa.
Sa isang interview, sinabi ni Chi-Ling na hindi niya alam ang balitang ito tungkol sa estudyante.
Nang nalaman niya na sinabi ng estudyante na hindi siya makapag-araw dahil sa litrato ni Chi-Ling na naka-bra, ang nasabi lang ng mabait na supermodel ay sorry para sa naging epekto ng kanyang mga litrato, mas magiging maingat daw siya sa susunod, at kung hindi para sa inyo ang mga litrato niya sa ad campaign, huwag na lang raw tingnan ang mga ito.
Oo nga naman! May gusto kaming idagdag na isa pa -- kung hindi kayo nag-aral para sa test, huwag sisihin ang kung anu-ano! OA na iyan ah!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH