Skydiver sa Fiji, nahulog mula sa taas na 12,000 feet - pero hindi namatay!
Ito si Ben Cornick, isang experienced skydiver na nakapag-skydive na nang lampas isang libong beses. Siya ay galing sa Wales, at ilang buwan nang nagtatrabaho bilang skydiving instructor sa Skydive Fiji, sa Fiji.
Noong Martes, nagskydive nang mag-isa at hindi para sa trabaho itong si Ben, at ito ang nangyari.
Nagkaroon daw ng problema sa steering toggle, at si Ben any bumangga sa isang naka-park na van, sa bilis na may 40 miles per hour!
Pero hindi siya namatay.
Nabali sa tatlong lugar ang kanyang hita at binti, nawasak ang kanyang siko, nabali din ang kanyang braso, at ayon sa kanyang Facebook donation page -- nabali din ang kanyang balakang.
Kinailangan pa siyang i-bandage sa kanyang kaibigan, para lang masuporta ang kanyang mga nabaling buto.
Hindi nakayanan ng mga doktor sa Fiji na gawan ng paraan ang mga nasira sa katawan ni Ben, at nag-alala sila nab aka mawalan ng binti itong si Ben dahil sa infection. Kinailangan niyang magpunta sa New Zealand para maoperahan, pero wala siyang pera dahil hindi siya insured para sa pag-skydive na hindi kasama sa trabaho.
Nagpunta sa internet ang kanyang pinsan, para humingi ng tulong. Nagbukas ito ng Facebook page, at sa ngayon ay nakakolektana sila ng 50,000 dollars, at si Ben ay nakapunta na sa Auckland. Siya ay kasalukuyang ginagamot, at sana ay mabilis siyang gumaling, at mkakabalik sa piling ng kanyang pamilya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH