Ohio at Missouri, nagkaka-problema sa paggamit ng lethal injection
Maraming estado sa Amerika ang gumagamit ng lethal injection, na gawa sa tatlong pinaghalong droga, para sa mga execution.
Dahil naglagay ng restriction sa paggamit ng droga ang manufacturer, ay napalitan ito ng bagong lethal injection na formula, na may dalawang pinaghalong droga. At ito ang gimanit ng Ohio kamakailan, sa pag-execute ng isang inmate.
Ang bagong formula, ay pinaghalo ang midazolam, isang sedative, at hydromorphone, isang analgesic na nakuha mula sa morphine.
Pero sa paggamit nito, ay lampas dalawampung minute ang lumipas bago namatay ang inmate na si Dennis Maguire noong Huwebes. Ayon sa mga saksi, nahirapan ng todo si Maguire sa proseso.
Ang insidenteng ito ang nagtulak sa mga awtoridad na bigyang-pansin ang problemang ito -- hindi lang sa Ohio, kundi pati na rin sa Missouri, kung saan dalawang inmates na ang pintaya, gamit ang bagong drogang pentobarbital, isang malakas na sedative.
Pero hindi nalalaman kung sino ang supplier nito, at maraming nagsasabing dpaat na ihinto ang mga executions hangga't hindi nalalaman ang katotohanan.
Dahil sa dalawang problemang ito, na dumagdag sa mga dating issue, marami rin ang nagtatanong kung kailangan pa ban g death penalty sa Estados Unidos.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH