Richard Sherman ng Seattle Seahawks, target ng mga racist sa internet?
Salamat kay Richard Sherman, ang Seattle Seahawks ay mapapanood natin sa darating na Superbowl. Pero imbes na pansinin ang kanyang magaling na paglaro, ang napapansin ngayon ay ang interview na ito...
Aminado kami, dito sa Tomo News ay naaliw kami sa panonood nito, at pati na rin sa mga memes at gifs na lumabas mula sa interview na ito.
Pero pumangit ang ihip ng hangin, dahil nagsilabasan ang mga anonymous haters sa internet -- mga duwag na nagtatagpo sa likod ng kanilang mga computer, at nambabastos ng kung sinu-sino.
Mga haters na, rasista pa.
Hindi ba't ang Estados Unidos ay isang bansa kung saan ang underdog -- ang hindi inaasahang winner - ang sinusuportahan?
Si Sherman ay isang American dream come true. Tingnan na lang natin ang pinagdaanan niya para makarating kung saan siya ngayon.
Si Sherman ay mula sa Compton, California, na kilala para sa NWA at gangsta rap, at para rin sa Dominguez High School football team. Noong siya ay nag-aaral doon, si Sherman ay nasa tracj and field at football team.
Dahil sa kanyang gilas sa paglaro, tinanggap si Sherman sa Stanford University, kung saan siya ay nagtapos nang may degree sa communications noong 2008.
At hindi lang siya nakapagtapos ng kolehiyo, sinimulan pa niya ang kanyang Master's Degree, imbes na agad na sumali sa football draft.
Noong 2011, sumali siya sa draft, at siya ay napili ng Seahawaks sa ikalimang round.
Paano naman natin matatawag na siga ang isang Stanford university graduate? Dahil lang ba siya ay African American?
Mula nang siya ay naging pro football player, ay nagpakitang gilas si Sherman sa field, at minsan ay nagyayabang ito sa Twitter. Pero sa tutoo lang, kung kaya naming takbuhin ang interception sa isang touchdown, nang isang paa lang ang naka-sapatos, malamang ay ipagyayabang rin naming iyan -- at hindi lang sa Twitter!
Maraming sikat na atleta ang kilala para sa kanilang pagyayabang at pagbitaw ng mabibigat sa salita...pero napapanindigan ito ng kanilang talento. Mabuti na iyan, kaysa sa mayabang na, wala pang maipakita. Hindi ba?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH