Doktor sa HK, mahilig kumuha ng upskirt photos, dahil siya daw ay stressed!
Isang doktor sa Hong Kong, kumuha ng mga upskirt na litrato dahil siya raw ay stressed out.
Ang Cantonese na anesthesiologist na si Chiang Chi-Sum (蔣智深) ay 34 years old at may asawa, pero nagawa pa rin niya na sundan ang isang schoolgirl, at kunan ito ng mga uoskirt na litrato, noong isang taon. Humingi ito ng tawad matapos siyang mahuli ng isang patrol officer, pero tumakbo naman nang tumawag ng backup ang pulis -- kaya sya ay naaresto.
Tatlong camera ang ginamit ni Chiang para kumuha ng mga upskirt photos. Natagpuan ng pulis ang labing-apat na litrato sa isa sa mga camera.
Humingi ng tawad si Chiang, at sinabing hindi maaapektuhan ang schoolgirl sa insidente dahil hindi naman nito alam ang mga nangyari; at si Chiang ay maaring mawalan ng trabaho na kanyang pinaghirapan ng maraming taon.
Nasuspinde ang lisensiya ni Chiang matapos siyang makasuhan, at siya ang nangako na hinding-hindi na mauulit ang kanyang ginawa.
Dahil mukhang nagsisi naman si Chiang, at siya raw ay stressed dahil may sakit ang kanyang ina, ay hindi siya nakulong. Binigyan lang siya ng labing-walong buwang probation, at multa sa halagang 26 USD. Kakailanganin niyang sundin ang payo ng kanyang probation officer, at maghanap ng professional counseling.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH