Haunted house sa Gary, Indiana - minumulto ng 200 na demonyo!
Ayon kay Lotoya Ammons, ang kanyang bahay sa Gary, Indiana, ay pinagmumultuhan ng dalawang daang multo...Hindi ka man naniniwala,
Ay maraming nakasaksi sa mga ito,
katulad ng isang pari,
isang doktor,
mga workers mula sa Department of Child Services,
at tambak-tambak na papeles mula sa mga government agencies, at mga signed affidavits na nagse-certify na hindi ito inimbentong kuwento lamang ni Lotoya, o ng kanyang pamilya.
Medyo natakot ka na ba?
Noong Nobyembre ng 2011, lumipat si Lotoya kasama ang kanyang pamilya sa bahay na ito, at agad na nagsimula ang mga kakaibang pangyayari. Ang napakakaraming langaw, mga kakaibang ingay, mga bagay na hindi nakikita pero nararamdaman, at mga lumulutang na bata!
Ang pagmumulto ay naka-ipon sa basement ng bahay. At doon nagsagawa ng exorcism si Lotoya.
Ganito ang ini-imagine namin.
Pero ayon sa opisyal na statement mula sa mga witness, ganito raw ang nangyari.
At hindi pa dito nagtatapos ang kuwento. Pagbisita ng DCS at pulis sa bahay, sila rin ay nakaramdam ng paranormal activity.
Marami pa rin ang hindi naniniwala kay Lotoya.
Ang kanyang mga anak ay nailagay sa foster care, at sila raw ay "delusional," o nahihibang.
Ayon sa isang psychologist, kailangan raw na i-assess si Lotoya, para malaman kung ang kanyang paniniwalang spiritwal ba ay nagiging panakip sa kanyang mga pagkukulang. Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulis at DCS sa bahay.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH