US bobsledder Johhny Quinn, nakulong sa loob ng banyo sa Sochi, Russia!
Alam nating lahat na ang Russia ay isang napaka-macho na bansa. Sa sobrang pagka-macho ng kanilang presidente, hindi na niya kailangang magsuot ng pantaas!
Ang pag-apak pa lang sa lupa ng Mother Russia ay nagbibigay nan g kakaibang lakas sa kalalakihan.
Ito ang naranasan ng Amerikanong bobsledder na si Johnny Quinn, nang nakulong siya sa banyo sa Sochi.
At dahil ito ay nangyari sa Russia, inipon ni Quinn ang kanyang "Russian spirit" at sinuntok ang pinto ng banyo, para siya ay makalabas!
Sa Twitter, sinabi ni Quinn na ang pintuan ng banyo ay nai-lock o na-stuck, pero ito ay western propaganda. Ang tutoong istorya, ay ito ay sinara para mas masigurado ng mga awtoridad na ang Sochi ay ang pinaka-safe na siudad sa buong Russia!
May mga media na namimintas ay sinasabing ang Sochi ay maraming problema pagdating sa mga hotel, maruming tubig, at sira-sirang mga bahay.
Pero para kay Johnny Quinn, na dating player ng NFL -- kayang-kaya ng tunay na lalaki na maging superhero, sa oras ng pangangailangan!
Mabuhay ang Sochi -- ang siudad na para sa mga tunay na lalaki!
Pero may feeling kami na may magpapadala ng bill sa Amerika, para sa nasirang pinto!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH