Selosang babae, pinatay ang asawa at pinutol ang kalalakihan nito!
Selosang babae, pinatay ang asawa, at nilagay sa kamay ng lalake ang naputol niyang kalalakihan.
Isang Taiwanese na babae ang pumatay sa kanyang asawa, at pagkatapos ay pinutol pa ang kalalakihan nito.
Nangyari ang trahedya noong Disyembre, sa Kaohsiung, Taiwan.
Ayon sa Kaohsiung District Prosectuors Office, ang babae na si Liu ay nakasuhan ng murder at abuse of corpse kahapon.
Si Liu daw ay may chronic depression, at matagal na niyang pinagsususpetyahan na nambababae ang kanyang asawa.
Isang linggo bago niya pinatay ang kanyang asawa, nagsulat ng iilang huling habilin si Liu sa kanyang pamilya.
Gabi ng December 16, hiniwa ni Liu ng labing-isang beses ang leeg ng kanyang asawa. Hiniwa din niya ang kalalakihan nito, sabay inilagay ang naputol na parte ng katawa sa kamay ng patay na lalaki.
Pagkatapos, ay nagtangkang magpakamatay si Liu sa pamamagitan ng sleeping pills, at pagpigil sa sarili niyang hininga gamit ang saran wrap.
Ilang oras ang nakalipas bago siya nagising, at kumuha siya ng marami pang pills kinabukasan. Habang siya ay nasa labas, dumating ang kanyang anak na si Chien at tumawag ng pulis.
Kasabay ni Liu na dumating sa kanyang bahay ang pulis. Ini-lock niya ang kanyang sarili sa banyo, at kinain ang lahat ng nakuh niyang pills. Pero naligtas siya ng pulis, at dinala siya sa ER. Si Liu ay nanatiling nasa kamay ng awtoridad mula nang siya ay naaresto.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH