Brazilian na lalaki, pinatay ang Japanese na kaibigan dahil sa pera!
Isang lalaking galing sa Saitama na nasa kanyang 50s ang natagpuang patay sa isang ilog sa Kumagaya -- biktima ng isang pananaksak. Noong Huwebes, inaresto ng pulis ang isang 63-year-old na Brazilian na lalaki.
Matagal nang magkakilala ang suspect at biktima. Ang Brazilian ay ilang beses nang humiram diumano ng pera mula sa biktima -- noong Oktubre ay humiram siya ng 500,000 yen, o 5,000 USD.
Ayon sa asawa ng biktima, sinabi sa kanya ng biktima noong December 30 na dadalawin daw niya ang kanyang kaibigan.
Nakasuhan ang Brazilian ng pagsaksak sa biktima sa ulo, at iniwan itong nagdurugo sa Arakawa River. Naniniwala ang pulis na pumatay ang suspect dahil hindi niya mabayaran ang kanyang utang sa biktima.
Natagpuan ng pulis ang katawan at cellphone ng biktima. Sa pag-analyze ng call log sa telepono, ay nakilala nila ang suspect.
Ang suspect ay kasalukuyang ini-interrogate ng mga imbestigador tungkol sa kanyang motibo. Habang inaamin ng suspect na magkakilala sila ng biktima, dine-deny niya na siya ang pumatay dito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH