Alagang loro ng isang murder victim, nakatulong sa paghuli sa killer!
Noong February 20, umuwi ang editor ng isang Hindi daily newspaper na si Vijay Sharma sa kanyang bahay, at natagpuan niyang patay ang kanyang asawa, at ang alaga nilang aso.
Isang linggong namroblema ang pulis sa kasong ito, hanggang sa narinig nila ang boses ng kaisa-isang survivor ng insidente.
Ang 45-year-old na si Neelam Sharma, at ang kanyang aso, ay sinaksak at pinatay sa loob ng bahay, pero hindi alam ng mga pumatay sa kanila na may naiwan silang saksi.
Ang alagang loro ng pamilya na si Heera, ay nagsisigaw at nagwawala sa kulungan nang dumating ang pamangkin ng biktima na si Ashutosh.
Ayon kay Vijay, sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Ashutosh, ay sumisigaw ang loro.
Dahil dito, sinubukan ng pamilya ni Sharma na banggitin ang pangalan ni Ashutosh sa harap ng loro, at nagsimula itong magsisigaw ng, "Usne maara, usne maara;" na ang ibig sabihin ay, "pumatay siya."
Si Ashutosh at ang kanyang kasamahan ay naaresto noong February 26. Umamin siya na tinangka lang niyang nakawan ang kanyang tita, pero pinatay niya ito nang nahuli siya sa akto.
At dahil nanahimik sa kulungan ang loro, ay hindi nila ito naisipang patayin.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH