Babae, sinunog nang buhay ang kanyang boyfriend - dahil sa pera!
Babaeng masakim, sinunog nang buhya ang kanyang boyfriend!
Ang lalaking ito ay nagkaroon ng third-degree burns sa lampas kalahati ng kanyang katawan, matapos siyang sunugin ng kanyang girlfriend.
Ang kakila-kilabot na insidente ay nangyari noong July 2, 2013. Noong 2012, nagkakilala ang 55-year-old na Yiao, na isang toll collector sa isang parking lot sa Taichung, Taiwan, at ang 46-year-old na si Chu. Madalas humingi ng pera si Chu kay Yiao.
Nong isang taon, tinanggihan ni Yiao na bayaran ang multa ni Chu sa isang fraud case; nang hindi rin siya pumayag na i-transfer kay Chu ang bahay na nasa kanyang pangalan, ay nagwala si Chu. Gamit ang 100NT na kinuha niya mula kay Yiao, bumili ng gasolina at lighter si Chu, at sinunog nang buhay si Yiao.
Bagamat gising pa si Yiao nang dumating ang mga pulis, siya ay namatay rin, makalipas ng sampung araw.
Ayon kay Chu, sa sarili niya dapat ibubuhos ang gasolina, pero aksidenteng nabuhusan din si Yiao. Pero dahil walang nahanap na kahit na kakaunting gasolina sa kanyang katawan o buhok ang pulis, ay hindi umubra ang kanyang kuwento sa korte. Si Chu ay nahatulan ng guilty of murder, at nasentensiya ng habangbuhay sa bilangguan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH