Homeless veteran Jerome Murdough, namatay sa init sa loob ng Rikers prison!
Mentally-ill ex-Marine, kinulong at niluto nang buhay!
Ang sobrang ginaw na panahon sa New York noong isang buwan, ang dahilan kung bakit naghahanap ng matutulugan ang 56-year-old na si Jerome Murdough.
Nakahanap siya ng lugar, sa rooftop ng isang Harlem apartment building, pero naaresto siya para sa trespassing.
Imbes na tulungan ang dating sundalo, inaresto siya ng NYPD,
At ini-lock ito sa isnag 6-by-10 na jail cell, sa mental care unit ng Riker's Island....
Kung saan dapat siyang chine-check bawat labinlimang minuto.
Mainit sa loob ng cell ni Murdough, dahil sa nasirang equipment, at isang air vent na nakasara, na hindi niya binuksan.
Apat na oras ang lumipas, bago nag-check ang mga on-duty officers.
Alas dos y medya ng madaling araw nang natagpuan nilang patay si Mudough sa loob ng cell -- ang kanyang body temperature ay lampas 100 degrees Fahrenheit.
Si Murdough ay nasa anti-psychotic at anti-seizure medication, nanaapektuhan ang kanyang abilidad na magpawis at maglabas ng init sa kanyang katawan.
Isang buwan pa ang lumipas, bago nasabihan ang ina ni Murdough, na namatay na ang kanyang anak.
Ang Riker's Island ay ikalawa sa pinakamalaking jail system sa US; may apatnapung libong inmates doon, at 40 percent ang may metal illness.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH