Westboro Baptist Church pastor Fred Phelps, namatay sa edad na 84
Ang founder ng Westboro Baptist Church na si Fred Phelps, ay namatay sa edad na 84.
Si Freed Phelps ay controbersiyal na founding pastor ng Westboro Baptist Church, na kilala para sa kanilang anti-gay campaign. Namatay siya noong Huwebes.
Ang kanyang simabahan, sa Topeka, Kansas, ay nakilala para sa kanilang pag-protesta sa mga military funerals at political events, dahil ang mga ito raw ay pagganti ng Diyos sa pagtanggap ng Estados Unidos sa abortion, at sa mga gay.
Nagpapakita ang mga miyembro ng simbahan sa mga events, hawak ang mga signs na may nakasulat na, "God Hates Fags,"
"Thank God for AIDS," "America is doomed," at "Thank God for Dead Soldiers."
Ang kanilang mga gawain ay dahilan kung bakit maraming bagong batas ang naisagawa para mabawasan ang pag-protesta sa mga libing, pero noong 2011 ay natabunan ito ng free speech -- na ayon sa US Supreme Court ay karapatan ng miyembro ng simbahan.
Si Phelps ay namatay sa isang Kansas area hospice, kung saan siya's nanatili matapos magkaroon ng problema sa kanyang kalusugan.
Ilang tao kaya ang mag-pro-protesta sa kanyang libing?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH