Helios Airways flight 522, nag-crash dahil sa 'uncontrolled decompression'
Helios Airways Flight 522, nag-crash sa Greece.
Ang Helios Airways flight 522 ay nag-crash noong August 14, 2005, dahil nawalan ng oxygen ang crew members, at nawalan ng gasolina ang eroplano.
Dumating ang eroplano sa Cyprus, nang may problema sa pressurization system, na nai-set sa manual matapos ang isang pressure check.
Bago mag-takeoff, tatlong beses na hindi napansin ng flight crew ang pagkakamaling ito.
Umalis mula sa Larnaca International Airport ang eroplano, 9:07 ng umaga...
Papunta sa Prague, at may stopover sa Athens.
Ang altitude warning alarm sa cabin ay tumunog nan gang eroplano ay patuloy na lumipad pababa.
Sa puntong ito, ang mga piloto ay hindi na makahinga nang maayos, at hindi nila naintindihan ang warning signals. 9:20 ng umaga nang nawalan ng contact sa mga ground controllers ang eroplano. Bumagsak na rin ang mga oxygen masks sa loob ng cabin.
Dalawang Greek air force F-16 fighter jets ang nagmadaling kontakin ang eroplano, nang hindi nito nasagot ang mga tawag ng Athens air traffic control.
Napansin ng mga piloto ng F-16 na nawawala ang piloto ng eroplano, samantalang nawalan ng mala yang first officer.
11:49 ng umaga, at ang flight attendant na si Andreas Prodromou ay pumasok sa cockpit at sinubukang i-landing ang eroplano.
Pero huli na ang lahat, at wala nang gasolina ang eroplano.
12:04 ng hapon, nag-crash landing ang eroplano malapit sa bayan ng Grammatiko, sa East Attica, Greece. Walang naligtas.
Ito ang pinakamalubhang aviation disaster sa kasaysayan ng Greece: isang daan, dalawampu't isang tao ang namatay, at ito ang ikaapat na deadliest accident, kung saan sangkot ang isang Boeing 737-300 jet.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH