VIDEO: Tatlong lalaki, nag-BASE jump mula sa Freedom Tower, sa NYC!
Kilalanin natin ang mga lalaking nag-BASE-jump mula sa Freedom Tower!
Tatlong lalaki ang umakyat sa itaas ng Freedom Tower sa New York City, alas tres ng madaling araw, noong September 20, 2013. Nag-parachute sila mula sa taas na may 1,766 feet, at nag-landing malapit sa Goldman Sachs Tower sa Manhattan Financial District.
Nakaiwas sila sa mga awtoridad nang anim ba buwan, pero kailan lang ay sumurrender na rin sila, at ini-release ang helmet-cam video ng kanilang pagtalon. Ayon sa kanilang mga abogado, ang ad revenue na pinagkakitaan ng video ay ipapamigay sa charity.
Ang mga parachuters na sina Marko Markovich, 27; Andrew Rossig, 33; James Brady, 32; at ang kanilang lookout na si Kyle Hartwell, 29, ay kinakasuhan ng trespassing at reckless endangerment. Ang kanilang paglusot mula sa butas sa harang ng building ay nakunan ng security cameras, pero hindi sila mamukhaan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH