Facebook, binili ang virtual reality startup Oculus - at maraming nagagalit!
Binili ng Facebook ang Oculus, para sa halagang 2 billion dollars, at maraming nagagalit!
Marami-rami na ring kompanya ang nabili ng Facebook -- gaya ng Instagram, Whatsapp, at ang pinaka-latest -- ang virtual reality startup na Oculus.
Alam nating lahat na kaya ni Zuckerberg ang bilhin ang kahit na anong kompanyang kanyang pinaniniwalaan...dahil isa siya sa pinakamayaman sa buong mundo.
Pero ang tanong ng marami sa Internet, ay, "anong kinalaman ng mga kompanyang ito sa Facebook?"
Maraming nakikisali sa mga Redditors at mga techies, sa mga diskusyon sa Internet, sa pinakabagong acquisition ng Facebook.
Dahil kahit na ibinigay sa atin ng Oculus ang pangako ng virtual reality...
Karamihan ng mga tao ay naiinis sa mga Facebook notifications, na binabalita sa atin kahit ang pinaka-walang kuwentang bagay...
Maging ang developer ng Minecraft ay hininto ang development para sa Oculus, dahil dito.
May spekulasyon na ito ang simula ng Facebook version ng Second Life, isang popular na virtual reality game.
Kung magkatutoo man ito, sana ay may Adblock plugin na kasama, para hindi tayo matabunan ng mga ads habang naglalaro!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH