Lalaking gustong maging pulis, pinagbabaril ang isang Los Angeles police station.
Si Danny Yealu ay matagal nang pangarap na maging police officer, pero itong nakaraang Lunes ng gabi,
Nagpunta siya sa Wilshire Community police station, at nagdesisyong i-recreate ang isang eksena mula sa pelikulang Matrix.
Alas otso ng gabi, nang naglakad papunta sa front desk ng police station si Yealu, at sinabing may reklamo siyang kailangang i-file. Pagkatapos, ay humugot siya ng Glock 9mm, at nagsimulang magpaputok.
Kahit na nag-fire siya nang point black range, karamihan sa kanyang mga bala ay nakatama lang ng balikat ng officer, o walang tinamaan.
At dahil may temeng Matrix, ang nag-iisang bala na maaring makasakit talaga sa officer, ay na-deflect ng isang backup nab aril na nakalagay sa bulsa nito.
Si Yealu ay napaligiran ng mga police officers na nagpaputok rin, at napilitan rin siyang sumurrender.
Hindi malinaw kung ano ang motibo sa likod ng shooting, pero nalaman ng mga imbestigador na si Yealu ay minsan na naging kandidato sa police academy, pero hindi siya pumasa.
Natagpuan ng mga officers ang isang AK-47 sa kanyang kotse, at iilan pang assault weapons sa kanyang bahay.
Ayon sa kanyang ama, wala siyang nakitang warning signs ng parating na trahedya, nang sila ay huling nag-usap.
Si Yealu ay naaresto, at ang piyansa ay naka-set sa 2 million dollars. Siya ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH