Sex survey: 2 percent ng teenagers sa Taiwan, nangtu-two-time!
Survey says: two percent ng Taiwanese teenagers, mahilig mang-two-time!
Hindi na ganun ka-inosente, gaya ng dati, ang teenage puppy love ngayon.
Ayon sa isang survey na isinagawa ng Taipei City Department of Health, 32 percent ng mga bata sa edad ng 10 hanggang 18 ay nagkaroon na ng relasyon, at 17 percent ang kasalukuyang may karelasyon.
Pero may two percent naman ang umamin na sila ay two-timers! Ibig sabihin, nagde-date sila ng maraming tao, nang sabay-sabay.
Hindi na nakakagulat malaman na 40 percent ng mga magulang ang walang alam na may love life na pala ang kanilang mga anak.
Ayon sa mga experts, kailangang maging open-minded ang mga magulang pagdating sa dating life ng kanila ng mga anak, pero kailangan rin nilang mag-set ng ground rules at limitasyon para sa kanila.
For example, sabihan daw ng mga magulang ang kanilang mga anak na huwag agad-agad na makipag-sex, huwag mag-overnight, at masanay na makipag-date sa kanilang mga boyfriends o girlfriends sa mga public places.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH