Teenagers missing since 1971, natagpuan sa lumubog na kotse sa sapa sa South Dakota!
Mga babaeng nawawala mula pa noong 1971, natagpuan sa isang lumubog na kotse, sa isang sapa sa South Dakota.
Ang misteryosong pagkawala ni Cheryl Miller at Pamella Jackson, dalawang 17-year-olds mula sa Vermillion, South Dakota, apatnapu't tatlong taon nang nakalipas, ay nalutas din sa wakas - salamat sa bagong forensic evidence na umugnay sa mga babae sa isang lumubog na kotseng nadiskubre noong isang taon.
May 29, 1971 -- huminto sa pagmamaneho ang mga babae para tanungin ang iilang mga lalaki ang daan papunta sa isang party. Pinasunod ng mga lalaki ang mga babae sa kanila, pero pagtingin nila sa kanilang rearview mirror, ay bigla silang nawala.
September 2013, nadiskubre ng mga mangingisda ang isang lumubog na kotse, sa Brule Creek.
Ka-match ng hubcap at license plate ng kotse ang isang 1960 Studebaker na minsan ay nasa pagmamay-ari ng lolo ni Cheryl Miller.
Sa loob ng kotse, ay natagpuan nila ang natira sa bangkay ng dalawang babae.
Ayon sa mga awtoridad, na-expose kotse, apat na dekada matapos itong lumubog, dahil sa tagtuyot. Ayon sa mga mechanical tests, ang kotse ay nasa third gear, na high gear ng kotse, nang ito ay nawala sa kalsada. Ito ay consistent sa isang aksidente kung saan ang mabilis na pag-andar ng kotse ang nagtulak dito sa sapa.
Ang mechanical tests, ang natira sa bangkay at iba pang ebidensiya sa loob ng kotse ang nagbigay ng konklusyon sa mga awtoridad na ang mga babae ay namatay dahil sa isang aksidente, at hindi dahil sa foul play.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH