South Korean ferry disaster: daan-daang pasahero ang nawawala sa dagat

TomoNews PH 2015-04-14

Views 2

South Korean ferry disaster: daan-daang pasahero ang nawawala sa dagat


Mahigit tatlong daang tao ang nawawala sa paglubog ng ferry sa South Korea.

Noong Miyerkules, lumubog ang isang car ferry sa southwest coast ng South Korea. Sa ngayon ay hindi pa nawawalan ng pag-asa ang mga recuers at pamilya ng mga nakasakay sa ferry, na ksalukuyang nawawala.

Ang Sewol ay nagkaroon ng problema, nang bumiyahe ito mula Incheon hanggang sa resort island ng Jeju, Miyerkules ng umaga. Labing-apat na oras ang biyahe.

Apat na oras na lang bago sila makarating sa Jeju, ay napadaan sa makapal na fog ang barko, na maaring nakapagpahirap sa pananaw ng crew.

8:30 ng umaga, at mukhang tumama sa malaking bato ang barko, at nabutas ito.

Nakarinig daw ng malakas na ingay ang mga pasahero, at nakaramdam din sila ng malakas na pag-usog.

Biglang napatagilig ang barko, at nahulog ang bagahe mula sa mga overhead storage shelves.

Maraming tao ang tumalon sa napakaginaw na tubig, nang nalaman nilang palubog na ang ferry.

Nagpadala ng distress signal ang crew, at rumispondi ang mga nalalapit na barko.

Pero ayon sa mga survivors, nakarinig sila ng mensahe sa PA system ng ferry, na nagsabing huwag silang aalis sa kanilang puwesto sa barko, na maaring nagpalala sa sitwasyon.

Ayon sa isang pasahero, habang paakyat ang tubig sa loob ng ferry, ay sinabihan pa rin sila sa PA na huwag silang gagalaw.

Sa gitna ng panic at pagkakagulo, isang high school student ang nag-text sa kanyang ama, at sinabing may suot siyang life jacket, at may mga kasama siya, kaya huwag raw mag-alala ang kanyang ama.

Sagot ng kanyang ama: alam niyang nagsimula na ang pag-rescue sa kanila, pero subukan pa rin sana ng kanyang anak na tumakas palabas.

Sabi ng babae: hindi siya makalabas dahil puno ng tao ang corridor ng ferry, at masyadong napatagilig and ferry.

Sa ngayon ay wala sa listahan ng mga naligtas ang babae.

May mga taong naligtas ng mga fishing boats at military ships na may helicopters, na sumugod sa eksena.

Mula nang magsimulang pasukin ng tubig ang Sewol, at dalawang oras lang ang lumipas para ito ay lumubog nang tuluyan.

Ayon sa mga saksi, maaring marami pang tao ang buhay, at na-trap sa napabaligtad na ferry. Pero ito ngayon ay nasa tubig na may 30 meter ang lalim, at limitado ang visibility dahil hindi ito malinis na tubig.

Ang mga taong na-trap sa mga air pockets ay kailangan ring labanan ang napakaginaw na tubig, na maaring magbigay ng hypothermia sa loob lamang ng isa't kalahating oras.

Kinatok ng mga rescue teams ang katawan ng barko, sa pag-asang makakuha ng sagot mula sa mga na-trap na survivoes. Naghahanap rin ng maliligtas ang mga divers...pero unti-unti silang nawawalan ng pag-asa.

Ang Sewol ay may kapasidad na siyam na daan at labindalawang pasahero. Apat na daan, at pitumpu't limang pasahero at crew ang nakasakay dito, kung saan tatlong daan at dalawampu't apat dito ay mga high school students na nasa isang field trip.

Nang naaksidente ang ferry, karamihan ng mga pasahero ang nasa entertainment center, na nasa third floor ng five-deck ferry. Nang napabaligtad ang barko, ay napalubog ang third floor. Pinaniniwalaang nawalan ng kuryente ang barko, at naiwang nangangapa sa dilim ang mga pasahero.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form