Lalaking pumatay sa dalawang teenagers sa Minnesota, nasentensiya ng life without parole!
Homeowner na pumatay sa dalawang teenagers, nasentensiya ng habangbuhay sa bilangguan.
Si Byron Smith ang Minnesota homeowner na pumatay sa dalawang teenager na pinasok ang kanyang bahay sa Little Falls noong 2012. Siya ay convicted ng premeditated murder, at nasentensiya ng habangbuhay sa bilangguan, without parole, noong Martes.
Ang 65-year-old retiree ay nanakawan ng mga rifles mula sa kanyang bahay bago mangyari ang insidente. Ayon sa kanya, self-defense daw ang pagbaril niya ang mga teenagers.
Pero may ebidensiya at voice recordings na nagpapatunay na plinano ni Smith ang pagpatay sa teenager na magpinsan, na sina Nicky Brady at Haile Kiefer, bago pa nila pinasok ang bahay ni Smith.
Si Smith ay nakahanda na sa kanyang basement, dala ang mga loaded nab aril, isang libro, bote ng tubig at merienda, at mukhang naghihintay na may mangyari.
Nag-setup din siya ng tape recorder sa isang bookshelf, na nai-record ang audio ng mga pangyayari sa basement.
Pagpasok ni Brady sa basement, nakaabang na sa kanya si Smith, hawak ang isang Ruger Mini-12 rifle. Dalawang beses siyang binaril ni Smith, bago niya pinaputok ang ikatlong bala, na tumagos sa kamay ni Brady, at pumasok sa kanyang ulo.
Sampung minuto ang lumipas, bago sumunod sa basement ang pinsan ni Brady na si Kiefer, at binaril siya ng isang round ni Smith bago nag-jam ang kanyang rifle. Maririnig sa audio tape na nagsisigaw si Kiefer, at si Smith na nagsasabing, "You're dead."
Kinaladkad diumano ni Smith si Kiefer, at tinabi siya sa patay niyang pinsan, bago niya itom binaril ng dalawang beses sa ulo, gamit ang isang revolver.
Ang mas nakakagambala dito ay ang audio na nai-record, matapos patayin ni Smith ang mga teenagers.
Maririnig si Smith na sinasabing, "Hindi sila tao. Hindi ko sila tinuturing na tao. Sila ay basura. Sila ay social mistakes, mga pagkakamali at problema. Hindi sila tao."
Si Smith ay nahatulan ng guilty sa dalawang kasong first-degree at second-degree murder, at siya ay nasentensiya ng life without parole.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH