Los Angeles Clippers owner at serial racist Donald Sterling, banned for life mula sa NBA!
Ang super racist na may-ari ng Los Angeles Clippers na si Donald Sterling ay banned for life mula sa NBA -- ito ay dahil sa mga racist comments na kanyang ginawa sa isang recorded conversation. Ayon sa NBA commissioner na si Adam Silver, si Sterling ay mamumultahan ng 2.5 million, at mapipilitang ibenta ang kanyang team.
Si Silver, na bagong NBA commissioner, ay hindi nagpaawat sa pagpaparusa kay Sterling -- ito na ang pinakamataas na penalty sa kasaysayan ng NBA.
Ayon kay Silver, inimbestigahan nila ang sitwasyon at nakumpirma nila na si Sterling mismo ang nagsasalita sa audiotapes na lumabas noong isang linggo.
Si Sterling ay banned na mula sa pag-attend ng practice o laro sa NBA; bawal siyang magpakita sa mga Clippers office o facility; at hindi siya maaring makisali sa mga desisyon tungkol sa team.
Base sa mga pangyayari, posibleng magdemanda si Sterling.
Samantala, maraming nagulat dahil hindi nila akalaing napakatapang pala nitong si Adam Silver. NBA hero!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH