Isang Philippine official, sinampal ang isang Chinese student sa Manila Airport!
Chinese tourist, nakatanggap ng 'special treatment' mula sa isang airport official sa Pilipinas.
Galit na nagsasalita pa rin ang Chinese na turista, kahit na siya ay kinakaladkad na sa Manila International Airport.
Hindi nagtagal, ay nawalan na ng kontrol ang sitwasyon.
Nagpatuloy ang away sa pagitan ng isang Pilipinong airport official, at isang Chinese na turista.
Sinampal ng lalaki ang babae sa mukha, habang may kinukuha ito sa kanyang bag.
Isang official ang dumaan, pero hindi nakialam.
Ang kakaibang insidenteng ito ay nangyari noong Lunes, at nai-record ng isang witness.
Matapos kumalat ng video, pinakiusapan ng Chinese Embassy ang commissioner ng Philippine Bureau of Immigration na asikasuhin ang international incident na ito.
Na-deport na ang turista. Pero hindi nalalaman kung bakit nakaaway niya ang airport official.
Hindi ito ang kaisa-isang insidente kung saan sangkot ang mga Chinese sa southeast Asia.
Hatinggabi noong Martes, isang Chinese manager ang na-kidnap mula sa isang fish farm, sa Sabah. Ang mga gunmen, na nakipagbarilan sa mga Malaysian police, ay tumakas papunta sa southern Philippines.
Ang Consulate General ng china sa Kuching, at nakiusap na sa mga awtoridad sa Malaysia, na iligtas ang Chinese national.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH