California high school prom draft, nabuking ng principal; na-cancel ang prom!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 1

California high school prom draft, nabuking ng principal; na-cancel ang prom!


California high school prom draft, kinancel ng principal!

Ang pagyaya sa isang estudyante para maging ka-date sa ating high school prom, ay isang nakaka-stress na bagay. Kaya may nakaisip ng paraan na gawing pantay ang playing field.

Ilang taon nang nakalipas, nang magsimulang magsagawa ng sikretong NFL-style na draft ang mga estudyante sa Coronoa del Mar High School sa LA, para malaman ng mga voluntary participants kung sino ang makaka-date ng ibang estudyante sa prom.

Gaya ng ibang mga high school, ang Corona Del Mar High ay may mga guapo at magagandang estudyante, at may mga hindi.

Kadalasan, ang mga guwapo't magaganda ang nagiging magka-date, at ang mga hindi kagandahan naman ang nagiging mag-partner.

Pero sa NFL-style draft na ginawa sa Corono del Mar High, ang lalaking may pinaka-mababang ranking ang unang pipili ng kanyang makaka-date! Maari namang tumanggi ang mga babae, kaya wala ring taong mapipilitang magpunta sa prom, kasama ang taong hindi nila type.

Nabalitaan ito ng principal na si Kathy Scott, at ipinagbawal ang draft, at kinancel ang prom. In-email niya ang mga magulang ng mga estudyante, at ipinaliwanag na kinancel niya ang prom dahil sa negatibong gawain ng iilang mga estudyante.

Ngayon, ay hindi na magagamit ng mga estudyante ang draft sa pagpili ng kanilang makaka-date.

Isang grupo na natutuwa sa pagkawala ng draft ay ang Feminists united club, sa nalalapit na Estancia High School. Ayon sa kanila, ang draft ay nakakainsulto.

Tama nga naman. Pero sana ay hindi pa rin na-cancel ang prom, at minsan lang talaga iyan sa buhay ng isang estudyante.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form