Apple, handa nang bilhin ang Beats Electronics ni Dr. Dre, para sa 3.2 billion!
Isang linggo nang nagkalat ang balita na ang tech giant na Apple, ay handa nang bilhin ang headphone maker na Beats Electronics, para sa haling 3.2 billion dollars.
Ang Beats ay kilala para sa kanilang napakamahal at bass-heavy na status symbol headphones.
Kahit na maraming mga audiophiles ang hinding-hindi magsusuot ng mga ito, ang natitirang populasyon ay mukhang tuwang-tuwa sa mga headphones.
Ayon sa mga analysts, ang nakakagulat na desisyon na ito ng Apple, ay resulta ng hindi matagumpay na pag-launch ng iTunes Radio noong isang taon.
Ang streaming service at ini-release para labanan ang pababang sales numbers ng iTunes, para mahabol ng Apple ang mga mas bagong upstarts, gaya ng Spotify.
Umaasa yata ang Apple na ang kaka-release pa lang na Beats Music service ay maaring ibawi ang nabawasan nilang sales sa iTunes.
Pero dahil dati pang mas focused ang Apple sa mga mas maliliit na acquisitions, marami ang nagtatanong kung ang pagbili sa Beats ay ang tamang move para sa kompanya?
Hindi naman nakalimutan ng Apple ang Beats co-founder na si Dr. Dre, na papasok din sa Apple sa isang 'senior role.'
At dahil sa kanyang malaking investment sa kompanya, siya ay maaring maging kauna-unahang billionaire ng hip-hop!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH