VIDEO: Key West police, nagsinungaling tungkol sa pagpatay nila kay Charles Eimers, 61

TomoNews PH 2015-04-14

Views 5

VIDEO: Key West police, nagsinungaling tungkol sa pagpatay nila kay Charles Eimers, 61


Key West police, pinatay ang isang 61-year-old na lalaki sa isang traffic stop.

Mukhang pinatay ng Key West police ang isang retired na lalaking galing sa Michigan, sa isang traffic stop noong Nobyembre, at pinagtakpan pa ito sa pamamagitan ng pagsinungaling sa isang police report.

Ayon sa report, si Charles Eimers, 61, ay umalis mula sa isang traffic stop malapit sa Pizza Hut sa North Roosevelt Boulevard...at nagmaneho papunta sa South Beach, sa dulo ng Duval Street.

Bayolente ang kanyang pag-iwas at pagtakas mula sa mga pulis, at tumakbo siya sa beach, kung saan siya ay nag-collapse. Natagpuan siya ng mga pulis, na wala nang pulso.

Ayon sa mga pulis, si Eimers ay biglaang nag-collapse, ay namatay dahil sa isang pre-existing condition. Sumang-ayon ang isang local hospital. Walang naisagawang autopsy, at pinadala sa isang funeral hpme ang katawan ni Eimers, kung saan muntikan na itong na-cremate. Nasira din ang mga tissue samples sa ospital.

Pero lumabas ang video na ito, na kinunan ng isang taong napadaan sa eksena. Makikitang si Eimers ay bumaba mula sa kanyang kotse, at boluntaryong humiga sa sahig, nang siya ay nilapitan ng mga pulis na may hawak na armas.

Iniimbestigahan ngayon ng Florida Department of Law Enforcement ang insidente.

Ayon sa preliminary autopsy report, si Eimers ay may sampung fractured ribs; ang neurons sa kanyang utak ay namula dahil sa kakulangan ng oxygen; ang kanyang trachea ay abnormal ang pagkapula, and may tissue damage ang kanyang mga baga. Ito ay mga signs na siya ay maaring sinaktan ay pinutulan ng hininga ng mga pulis, sa buhangin sa beach.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form