Taiwanese na ina, pinilit magdasal ang transgender na anak, para maging 'tunay na lalake!'

TomoNews PH 2015-04-14

Views 54

Taiwanese na ina, pinilit magdasal ang transgender na anak, para 'bumalik sa dati,' at maging 'tunay na lalake!'


Pakisabi nga sa nanay na ito, na hindi mo maidadasal ang pagka-gay ng isang tao. Ipinagdasal niya kasi sa Diyos na gawing tunay na lalake ang kanyang transgender na anak -- at galit pa niyang pinilit na magdasal din ito.

Noong May 18, dinala ng Taiwanese na ina ang kanyang anak sa isang templo sa Hsinchu, at pinaulit ang dasal na ito sa bata:

Ako su Hsu.
Babalik ako sa dati.
Ako ay magiging isang tunay na lalake.

Makikitang nakaluhod ang bata sa harap ng isang shrine desk, at dalawang minutong nagdarasal. Nang ayaw niyang magpatuloy na magdasal, ay sinampal siya ng kanyang ina.

Ang buong prosesong ito ay kinunan ng video ng isang miyembro ng kanilang pamilya. Pinost ng bata ang video sa Facebook, at sinabing hindi siya susuko.

Pagkatapos, ay sinara niya sa publiko ang kanyang Facebook account.

Ipagdarasal namin na magkaroon ng pag-unawa at makaramdam ng pagmamahal ang makitid na utak at malamig na puso ng kanyang ina!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form