Japanese girl group AKB48, inasulto ng lalaking fan na may dalang lagari sa meet and greet!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 1

Japanese girl group AKB48, inasulto ng lalaking fan na may dalang lagari sa meet and greet!


Japanese girl group AKB48, naatake ng isang fan na may lagari!

Dalawang miyembro ng Japanese girl group AKB48, sina Rina Kawaei at Anna Irayama, at isa nilang kasamahan na lalake, ang naatake ng isang crazy fan na may dalang lagari, sa isang meet and greet event.

Nangyari ang insidente sa Takizawa, Japan, noong Linggo. Inaresto ng pulis ang 24-year-old na suspect, na nakilala bilang si Satoru Umeta.

Para makapunta sa meet and greet event, ang mga fans ay kinailangang magpakita ng invitation ticket, na ipinamigay sa pinaka-latest na CD ng grupo. Papalitan ang ticket ng number, para makapila ang mga fans, na maghihintay na maitawag ang kanilang mga pangalan.

Nagsagawa ng security check sa venue, bago pinayagan ang mga fans na kamayan ang kanilang mga idolo nang tatlong segundo kada tao, bago sila palilipatin ng staff sa susunod na miyembro ng grupo.

Pero may isang lalaking fan na biglang naglabas ng lagari, na tinangka niyang gamitin para asultuhin ang dalawang miyembro ng AKB48. Isang staff member ang nasaktan nang tinangka niyang agawin ang lagari mula sa suspect.

Nahiwa sa kailang mga kamay at ulo sina Rina Kawaei at Anna Irayama. Sila ay dinala sa ospital, at sila ngayon ay nasa stable condition.

Ang suspect na si Satoru Umeta ay naaresto para sa attempted murder at siya ay umamin na diumano sa kanyang krimen. Iniimbestigahan ng pulis ang motibo sa likod ng assault.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS