Norwegian artist, kinain ang sarili niyang laman; lasang 'wild sheep' daw!
On the menu today: Human Hipbone!
Binago ng Norwegian artist na si Alexander Selvik Wengshoel ang paningin namin sa Scandinavian cuisine!
Ang adventurous eater ay ipinanganak nang may deformed na balakang, at halos buong buhay siyang naka-wheelchair.
Apat na taon nang nakalipas, nang na-operahan siya sa kanyang balakang, at hiningi niya ang kanyang hipbone mula sa doktor. Kinunan niya rin ng video ang buong operasyon.
Noong una, ay ipapakita lang sana ni Wengshoel ang kanyang hipbone sa isnag exhibit.
Pero nagkaroon siya ng panibagong ideya, nang nakakita siya ng "laman" sa hipbone.
Naisip niya nab aka puwede niya itong kainin! Ay ito ang kanyang ginawa: kinain niya ang sarili niyang laman, kasama ang patatas, at isa basong red wine. Ano daw ang lasa? "Just like wild sheep!"
Ngayon ay naka-exhibit ang hipbone, at video footage ng operasyon ni Wengshoel. Gusto raw niyang mapag-isipan ng mga tao kung paano natin tinitingnan ang parte ng ating mga katawan.
Mapaisip man kami tungkol sa aming mga bady parts, ay wala kaming balak na kainin ang mga ito!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH