Taiwanese na driver na gumamit ng drugs, nakapatay ng dalawang med student!
Ang traffic accident na ito ay nangyari sa isang intersection sa Pingzhen Village, Taoyuan County. Ang pader na tinamaan ay under reconstruction.
Ang 24-year-old na babaeng driver ay gumamit diumano ng ketamine habang nagmamaneho nang mabilis, Miyerkules ng gabi.
Hindi niya napansin ang mga nangyayari sa kanyang paligid, at hindi siya nag-brake sa red light. Nabangga niya ang dalawang medical school students na nakasakay sa isang scooter.
Napalipad sa ere ang mga babae, bago sila bumagsak sa kalsada. Ang kotse ay hindi huminto hanggang sa bumangga ito sa isang bahay sa tabi ng kalsada.
Sinugod ang mga biktima sa ospital, pero namatay na ang mga ito; ang driver ay naligtas at hindi masyadong nasaktan.
Ayon sa pulis, ang driver ay hindi makalakad nang maayos at mukhang wala sa tamang pag-iisip. Naghinala silang gumamit ito ng drugs, at natagpuan nila ang ketamine sa loob ng kanyang sasakyan.
Nag-confess din ang driver sa kanyang ginawa. Siya ay nakasuhan ng offenses against public safety at accidental homicide.
Maraming nalungkot sa pagkamatay ng dalawang estudyante, na matalino, masipag mag-aral, at matulungin sa kanilang mga teacher. Katatapos lang nila ng kanilang internship sa ospital.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH