Waffle House, hindi pinayagan ang waitress na tumanggap ng 1,000USD tip!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 3

Waffle House, hindi pinayagan ang waitress na tumanggap ng one-thousand-dollar tip!

Si Shaina Brown ay nagta-trabaho bilang graveyard shift waitress sa Waffle House, sa Raleigh, North Carolina.

Ang single mother of three ay nag-serve ng isang Texas bacon patty melt sa isang lalake, alas tres ng madaling araw noong Mother's Day.

Binayaran ng customer ang bill, at nag-iwan ng 1,000 dollar tip para kay Shaina, sa kanyang credit card. Pero sinabi ng manager ng Waffle House kay Shaina na hindi niya pwedeng tanggapin ang pera!

Ibinalik nila ang pera sa mapagbigay na customer, at kung sakaling gusto niyang labanan ang policy ng restaurant -- ito ang standard procedure ng Waffle House, para sa mga malalking tips na nakalagay sa mga credit cards.

Ilang linggo ang nakalipas, at ang anonymous tipper ay kinontak si Shaina matapos niyang mabalitaan ang lahat, at nagsulat ito ng tseke sa haling 1,000 dollars.

Sa tingin niyo ba ay mali ang Waffle House, sa pagbawal sa kanilang staff na tumanggap ng malaking tip? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS