Lalake, tinangkang sunugin ang asawa - sabay sabing nagbibiro lang daw siya!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 17

Lalake, binuhusan ng gasolina ang asawa, na tinangka niyang sunugin - sabay sabi sa pulis na nagbibiro lang siya.

Isang lalake mula sa Sunrise, Florida, ang nagsabing nagbibiro lang siya nang sinubukan niyang sindihan ag gasolina, na hindi daw niya sinasadyang mabuhos sa kanyang asawa, at sa kama nito. Suuuure.

Si Khemraj Samlall at ang kanyang asawa ay nag-away, Linggo ng umaga, nang umuwing lasing ang lalake. Inakusahan siya ng babae ng pagiging masamang ama, na hindi sinasamahan ang kanilang 9-year-old at 14-year-old na anak.

Tinutukan daw ni Samlall ng dalawang kutsilyo ang kanyang asawa, at sinabing papatayin iya ito.

Ayon sa anak na lalake ng mag-asawa, nakita niyang kumuha ng lata ng gasolina ang kanyang ama, na binuhos niya sa kanyang ina.

Inamin din ni Samlall na sinubukan niyang sindihan ang gasolina, na isang biro lang daw, habang kinindatan pa niya ang kanyang anak.

Ang mas nakakagulat ay ipinagtanggol pa ng babae si Samlall sa korte. Hindi naniwala ang judge na biro lang ang ginawa ni Samlall, na kinasuhan niya ng aggravated assault, wiythout intent to kill.

Kung ang pagtutok ng kutsilyo at pagbuhos ng gasolina na muntikan mo nang sindihan, ay hindi itinuturing na 'intent to kill' sa Florida...ano pa kaya ang dapat niyang gawin para masabing may balak siyang pumatay?!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS