Lalake, nabaril at napatay sa isang East LA Mexican restaurant!
Isang lalake ang nabaril at napatay sa isang restaurant sa 6000 block ng East Whittier Boulevard sa East LA, bandang 8:15pm noong linggo.
Ayon sa isang residente, ang restaurant na Rincon de Guayabitos ay kadalasang nagpapatugtog ng malakas na musika, at mahilig manggulo ang mga customers dito.
Ang biktima ay nasa restaurant ay pinaniniwalaang isang customer. Hindi pa inilalabas ng pulis ang identity ng nasawi.
Ang biktima at ang suspect, na kasalukuyang hindi pa nahuhuli ng pulis, ay nag-away diumano sa kainan.
Naglabas ng baril ang suspect at binaril ang biktima, na naidala sa ospital pero hindi naligtas.
Ayon sa pulis, hindi sila sigurado kung ang baril ay napaputok sa loob o sa labas ng restaurant. Naghanap sila ng ebidensiya sa eksena, nang siyam na oras.
Tumakas diumano ang suspect sa isang kulay itim na SUV, kasama ang iba pang tao na nasa kainan din nang nangyari ang insidente.
Iniinterview ng pulis ang mga witnesses, at nakikiusap ang Sheriff's Department Homicide Bureau na itawag ang kahit na anong impormasyon tungkol sa suspect. Ayon sa LA Times Homicide Report, ito ang kauna-unahang homicide nila sa loob ng isang taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH