Teenager, nahila sa isang stormwater drain -- natagpuang patay sa isang lago sa Iowa.
Ang 17-year-old na si Logan Blake ay naglabay nang mahigit isang milya, sa isang kanal, bago natagpuan ang kanyang katawan sa Cedar Lake, Martes ng hapon.
Si Blake at ang kanyang mga kaibigan ay naglalaro ng Frisbee malapit sa Arthur Elementary School, matapos umulan nang napakalakas, Lunes ng gabi.
Si Blake ay nahatak papunta sa isang open drain, na naharang ng mataas na tubig. Sinubukan siyang hilain paligtas ng kanyang kaibigan na si David Bliss, pero nahatak din siya sa drain.
Ang entrance sa drain ay 54 inches ang diameter at ang pipe ay nasa isa't kalahating milya ang haban, papunta sa Cedar Lake.
Ang kaibigan na si Bliss ay nakalabas sa Cedar Lake, matapos siyang maglakbay nang mahigit isang milya sa loob ng drain. Nasaktan siya, pero maari pa rin siyang maglakad.
Si Blake ay hindi ganun kasuwerte. Hinalukay ng bumbero, pulis, city workers at volunteers ang drain at lago. Sa wakas, natagpuan ang katawan ni Blake sa ilalim ng tatlong talampakan ng tubig, 75 yards mula sa dulo ng pipe, Martes ng hapon.
May mga nagsabing naiwasan sana ang trahedyang ito kung ang inlet ng drain ay natakpan ng safety grate.
Nagsama ang pamilya't kaibigan ni Blake sa Arthur Elementary School para ipagbahagi ang kanilang mga alaala tungkol sa nasawing teenager.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH