Racist na babaeng taga-Australia, inatake ang mga Asian na pasahero sa isang tren sa Newcastle!
Isang babaeng taga-Australia ang nakilala sa Internet, bilang isang racist na babae sa tren, noong Miyerkules.
Ayon sa mga saksi, ang 55-year-old na si Sue Wilkins ay nainis nang hindi ibinigay sa kanya ng iilang mga bata ang kanilang puwesto sa tren.
Sa isang kakaibang video, na nagtagal nang tatlo't kalahating minuto, makikitang nagtatawag ng pulis ang galit na galit na si Sue. Ang babastos daw ng mga bata, na ayaw ibigay kay Sue ang kanilang mga puwesto sa tren.
Mabilis na nauwi sa pagiging racist ang eksena, nang tumayo ang ina ng mga bata, at tinulungan siya ng lalaking nakaupo sa kanyang tabi...
Sinabihan ni Wilkins ang babae na bumalik na sa China...at sinabihan niya ang lalake na sigurado siyang maliit ang kalalakihan nito, kaya hindi siya makakuha ng tunay na Australianang girlfriend.
Tinawag niyang bogan ang gentleman na lalake...na napaka-ironic, dahil kung mayroong bogan sa eksenang ito, si Sue ang panalo.
Ayon sa isang interview, sinabi ni Sue na napakasama ng timpla ng kanyang araw dahil wala siyang trabaho, nakikitira lamang siya sa kanyang mga kamag-anak, at kailan lang ay na-scam siya ng 100,000 dollars ng isang Dutch na lalaking nakilala niya sa online dating site na RSVP.
Oo, napakamalas nga niya -- pero hindi pa rin ito dahilan para ibuhos niya ang sama ng loob sa inosenteng tao na wala namang ginawa sa kanya! Karma na po ang bahala sa kanya!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH